BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Chatbox


Get your own Chat Box! Go Large!

P.S. Kapag red ung katabi ng name, di siya online :D

Thursday, August 6, 2009

Katangian ng Panitikan

I got this reviewer from a friend. I'm 99.99% sure na wala kayo nito tanduk:ahaha: :inis: hehe. Medyo mahaba, pagtiyagaan niyo na. Atleast meron :okay:


I. Panahon ng Katutubo

· 2 uri ng panitikan: pasalita at pasulat(pangalawang pangkat ng Malay)

· Negrito- unang dumating sa Pilipinas

Mga Unang Tula:

· Bugtong

· Salawikain at Kasabihan

· Bulong

· Tulang Pambata

· Awiting Bayan

o Talindaw – pamamangka

o Soliranin – paglalakbay

o Diona – panliligaw / kasal

o Oyayi – pagpapatulog ng bata

o Dalit – papuri kay Maria

o Kumintang – pakikidigma

o Sambotani – tagumpay

o Kundiman – pag-ibig

· Tanaga – tulang may 7 pantig sa bawat taludtod at 4 na taludtod (Idelfo Santos)

· Epiko

Mga Unang Tuluyan:

· Mito – maikling kwentong mayroong aral

· Pabula

· Kuwentong Kababalaghan

Mga Unang Dula:

· Ritwal – mayroong “mediator”

· Sayaw – tugtog lamang

II. Panahon ng Kastila

· Legaspi – kapangyarihan ng Espanya (1565)

· 300 taon

· pananampalataya ng Katolisismo

· alpabeto: Alibata > Abece Dario > titik Romano

· panrelihiyon, pangkagandahang asal, at pangwika

· alpabetong Romano

· wikang Kastila

·

Mga Halimbawa ng Unang Aklat:

· Doctrina Christiana (Padre Juan de Plasencia at Padre Domingo de Nieva) – sampung utos ng Diyos, pitong kasalanang mortal, pangungumpisal, atbp.

· Nuestra Senora Del Rosario (Padre Blancas de San Jose) – talambuhay ng mga santo, nobena, tanong at sagot sa relihiyon

· Pasyon (Aquino de Borja, Luis Guian, at Padre Mariano Pilapil)

· Urbana at Felisa (Padre Modesto de Castro – Ama ng Klasikong Tuluyang Tagalog)

· Dalit kay Maria

Mga Kantahing Bayan:

· Kundiman (Tagalog)

· Paghehele ng Bata (Pangasinense)

· Balitaw (Bisaya) – panghaharana

· Paghahanapbuhay (Tagalog)

· Pangangaluluwa

· Pananapatan

Kurido

· tema: katapangan, kabayanihan, pananampalataya

· kilalang manunulat: Jose de la Cruz, Ananias Zorillar

· halimbawa: Ibong Adarna

Awit

· halimbawa: Florante at Laura (Francisco Balagtas) – hinangaan ni Dr. Jose Rizal

· kilalang manunulat: Bernardo Carpio

Mga Dulang Patula:

· Karagatan

· Duplo

· Tibag – paghahanap ng krus ni Kristo

· Panunuluyan – panganganak ni Maria

Pananapatan

· Panubong – araw ng pagkabuhay

· Karilyo – dulang anino lamang ang ipinapakita

· Cenakulo

· Moro-moro

· Zarzuela

III. Panahon ng Paggising ng Damdaming Makabayan

· 1872

· damdaming makabayan – pang-aalipin at paniniid ng dayuhan

· Tatsulok ang nanguna sa pangkat ng mga intelektwal

o Jose Rizal (Noli Me Tangere, El Filibusterismo, Mi Ultimo Adios, Sa mga Kababaihan ng Malolos, atbp.)

o Marcelo del Pilar (Diariong Tagalog, La Solidaridad, Pag-ibig sa Tinubuang Lupa, Caiingat Caya, atbp.)

o Graciano Lopez Jaena (Fray Botod, Mga Kahirapan sa Pilipinas, atbp.)

· paghihimagsik at pagbabago ng lipunan

· iba pang mga manunulat: Antonio Luna, Mariano Ponce, Jose Ma. Panganiban, Pedro Paterno, Jose Alejandro, Apolinario Mabini, atbp.

Layunin:

· pantay sa batas (Kastila at Pilipino)

· maging lalawigan ng Espanya ang Pilipinas

· magkaroon ng kalayaan ang Pilipinas sa pamamahayag

IV. Panahon ng Himagsikan

· propagandista – bigo sa pagbabago *propaganda at rebolusyonaryo*

· Andres Bonifacio – KKK; inspirasyon ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo

· Panitikan: pagtuligsa sa pamahalaan at simbahan; pagbibigay payo sa mga Pilipino na gumising at magkaisa

Mga Manunulat:

· Andres Bonifacio

· Emilio Jacinto

o Utak ng Katipunan

o “Mga Aral ng Katipunan ng mga Anak ng Bayan”

· Apolinario Mabini

o Utak ng Himagsikan

o maka-Bonifacio > ibinilanggo

o “El Verdadero Decalogo”

· Jose Palma – dapithapon

o titik ng Pambansang Awit

Katangian ng Panitikan:

· hayag na sa panitikan noon ang paghahatid ng mga aktwal na pangyayari sa kapaligiran

· karaniwang paksa ang tungkol sa bayan

· may sensura noon na naglilimita sa mga tathalain

V. Panahon ng Amerikano

· ipinalasap sa mga Pilipino ang demokrasya

· edukasyon

· naging masigla ang mga manunulat lalo na sa Tagalog

· dumami ang limbag ng panitikan

· dula – kauna-unahang anyo ng panitikan

· mga manunulat:

o Severino Reyes (Lola Basyang) –Walang Sugat

o Lope K. Santos (Ama ng Balarilang Tagalog) – Pagtatapat, Balarilan ng Wikang Pambansa

o Jose Corazon de Jesus (Huseng Batute / Hari ng Balagtasan) – Mga Dahong Ginto

o Amado V. Hernandez (Makata ng Manggagawa; Makata ng Anak Pawis) – Luha ng Buwaya

Katangian ng Panitikan:

· tatlong wika ang ginamit ng panahong iyon: Tagalog, Kastila, at Ingles

· naging popular ang malayang taludturan

· masyadong mabulaklak ang maikling kwento

· naging artipisyal ang daloy ng mga akda

· ang paksa ay hindi limitado

Iba Pang Panitikan:

· Sarswela

· Bodabil

· Pelikula – jose nepomuceno – ama ng pelikulang Pilipino

· Nobela

· Maikling kwento

· tula

VI. PANAHON NG HAPON

-natigil ang palimbagan

-Tagalog ang ginamit – bawal ang Kastila / Ingles

** Nikichi Isikawa – nagbigay tulong sa mga Pilipino

-Gintong Panahon ng Panitikang Pilipino

MGA MANUNULAT

- Liwayway Arceo, Alejandro Abadilla, Idelfonso Santos

3 URI NG TULA

- Haiku – 17 pantig, 3 taludtod (5-7-5)

- Tanaga – 7 pantig sa bawat taludtod

- Karaniwang Anyo

KATANGIAN NG PANITIKAN

-namayagpag ang wikang Pilipino dahil ito ang wikang gamit sa Panitikan

-gintong panahon ng Panitikan

-limitado ang mga paksa

VII PANAHON NG KALAYAAN

- sumigla ang panitikan

- paksa – kalupitan ng Hapon, kahirapan ng buhay, kabayanihan ng gerilya

- pampasigla sa mga manunulat – Palanca Memorial Award etc.

- nagbukas muli ang palimbagan – [ Kuwento ni Mabuti (genoveva edroza matute)]

- naglabasan ang pahayagan (phil. Free press)

- samahang pampanitikan (KADIPAN) (kapisanan ng Diwa at Panitik)

- Arena Theater (Dr. Severino Montano)

VIII. PANAHON NG BAGONG LIPUNAN

- Pangulong Marcos

- Kasabay ng deklarasyon ng Batas Militar:

a. pagpapahinto ng publikasyon ng mga pahayagan

b. pagpapahinto ng mga panooring telibisyon at pampaaralan

c. pansamantalang pagtigil ng mga programa sa radio

-kasabay ng pagwawakas ng Batas Militar ang pagsilang ng Bagong Republika

-naibalik lang ang lahat dahil sa Ministri ng Kabatirang Pang-madla

Sangay ng Panitikan

Tula: slogan “sa ikauunlad ng bayan,disiplina ang kailangan”

: Awiting Pilipino – Anak

Dula

Pelikula: Maynila sa kuko ng liwanag

Magasin: Liwayway

Komiks: Hiwaga

Telebisyon: Gulong ng Palad

Radyo: Simatar

Katangian ng Panitikan

Tula- behikulo ng programa ng gobyerno

Awiting Pilipino- sinaliwan ng balbal na salita

Dula- binuhay para sa bata

Nagkaroon ng Taunang pista ng Pelikulang Pilipino

Pahayagan- nagbagong lihis; tungkol sa kaunlaran,disiplina,kultura at turismo

Sanaysay,tula,awit,talumpati- namayagpag

IX. Makabagong Panitikan/ Kontemporaryong Panahon

People Power

Karaniwang layunin sa pagsusulat ay pagbabago,panghihikayat at pagpapaunlad

Sa iba’t ibang larangan ng buhay ng Pilipino

Malaya sa pagpili nng paksa at estilo at pagpapahayag ng kaisipan

Buhay pa rin ang kaisipan at Salawikain

Katangian ng Panitikan

Walang pagbabago sa telebisyon,komiks,magasin,pahayagan

Sanaysay-nagkamit ng bagong kalayaan

Awiting Bayan- makasaysayang tagpo ng bansa

Magkaisa- Tito Sotto, Homer Hores at De La Pena

Hangdog ng Pilipino sa Mundo ni Jun Paredes



Goodluck everyone ^^

Magdasal na tayo. hehe

8 reactions:

albert dinglasan said...

ANG HABA MGA PUTANG INA NYO !!!!!

Anonymous said...

ano po ba ang kalikasan ng panitikan?

Anonymous said...

Salamat ng sobra. Kailangang kailangan ko to.

Anonymous said...

ano ang konspto at katangian ng panitikan?

Anonymous said...

katangian ng panitikan sa mga bansang mediterranean, kanluranin, persia at africa ang kailangan ko mga beshyy

Anonymous said...

Wow are you grade 10 from dlsl lol cause me too man

Unknown said...

ano ang katangian ng mga tula sa bagong lipunan

Unknown said...

walang sagot sa tanong na Ano ang katangian ng dula sa bagong lipunan.
Bakit kaya ito itinanong e wala namang sagot.
naiinis ako sa filipino dapat wala na ito sa curriculum